Pangit ka ba?

Na-receive ko ‘tong txt na joke kahapon.

Anak: Ma! Sabi ng mga kalaro ko panget daw ako.
Mama: Anak, ang kagandahan ay nasa loob…

…Kaya wag kang lalabas! Dito ka lang.


Sobrang tawa naman ako. (Oo, mababaw kaligayahan ko) Pero napaisip din ako pagkatapos ng ilang minuto.

Bakit ganun yung ibang mga magulang? (Ibang magulang lang, kasi nanay ko no comment lang) Yung sasabihin nila, “ok lang yan anak, mahalaga ang kalooban. Walang taong pangit. blah blah blah”

Paano mo naman masasabi sa isang bata na walang taong pangit habang halos araw-araw pinagkakaisahan syang tuksuhin na pangit, habang halos araw-araw may mga balitang tungkol sa mga artista na nagparetoke ng muka para gumanda, habang halos araw-araw nakikita nya sa salamin na pangit nga talaga sya?

Pero, tanggapin mo man o hindi, may pangit! Kung walang pangit e di sana artista na ko ngayon.

Naisip ko lang, ang pangit ng pampalubag loob nilang “walang taong pangit” dahil ito ay kasinungalingan. Ano ang dapat ituro sa mga batang tinutukso na pangit?

Kung magkakaanak man akong pangit (which is 90% probable), hindi na ‘ko magsisinungaling sa kanya. Sasabihin ko lang, “Oo may pangit. At kung tuksuhin ka man nilang pangit, isa lang isagot mo. Ano naman?

Kung gusto pa ng ibang tao ng mahabang sagot, meron ako nyan. “Ano naman kung pangit ako? Mamamatay ka ba? Yayaman ka ba sa kapangitan ko? Big deal ba yun?”

Ganun lang kasimple! Kung tinuro lang sana sa ‘kin yan dati nung bata ako, hindi na sana ako umiyak sa mga walanghiyang batang walang magawa sa buhay kundi manukso pag wala na sila masabi.

Konklusyon: Oo, may pangit. Pero walang masama sa pagiging pangit. Sabi nga sa isang nabasa ko, “It depends how you perceive it.”

About these ads

14 comments on “Pangit ka ba?

  1. psua says:

    narinig ko yan joke na yan sa eat bulaga.. hehe.. si kim idol nagsabi.. katawa nga.
    kahit gaano kaganda ang isang tao sa physical na anyo, papangit din siya pag natabunan na siya ng lupa. hehe

  2. sunrise says:

    hahhah! tis is funny.. you have an eye for trivial things.. nice blog!

  3. siyetehan says:

    mayroong pangit, kasi napakaraming imperfection sa mundo.

    however, ang panigurado lang, fair naman ang Panginoon-dahil sa bawat tao naman ay paniguradong mayroon ding kagandahan na maaaring hindi pa nakikita, o hindi pa nade debelop.

  4. meloi says:

    ahahahaahahahaha. this is so effing funny. :-) hmmm. kung may insecurities ang mga pangit, lalung-lalo na ang mga magaganda at guapo. i know one lady, she’s so freaking gorgeous that it hurts. mas insecure pa sa akin. :-)

  5. meloi says:

    pero not the bitchy kind of insecure. ganun lang talaga. well, she had a rough life rin kasi so i understand. beauty isn’t everything, that’s what i learned from her. :-)

    • Fluff Patrol says:

      Pero masama pa rin maging insecure even if it isn’t about beauty. It’s better to focus on the blessings more than the trials diba. :) Focus on the things you have and not on the things you don’t have.

      May kakilala din akong ganyan. She’s apparently prettier than me pero ang dami nyang insecurities sa pamumuhay nya. One obvious thing is about the rich and poor thingy. Hindi naman sila totally mahirap kasi she can still buy her needs and a few wants. I think she’s just focusing on the things she doesn’t have, which is not a good act.

      Bahala sila. Malaki na sila. hehe.

  6. Shermz says:

    yung klasmeyt ko ayaw niya gumagamit ng word na pangit. masyado daw nega. hehe. ang term niya, “hindi ko na-appreciate”. kung iisipin natin tama rin naman. so technically walang pangit. meron lang hindi nagagandahan. tsaka yung kasabihan na “beauty is in the eye of the beholder” holds truth in it.

    dapat kasi aware ang lahat ng tao sa art appreciation and humanities. tinuturo yun dun eh. kung iisipin mo yun ang foundation ng beauty eh. i mean, yung perception at definition ng beauty. shallow lang yung ibang tao, and worse superficial.

    pero alam ko walang kinalaman yung mga sinabi ko. nag-share lang ako. madalas kasi sa chatroom (at oo, napapadalas ang chat ko dahil nang-aaway ako ng mga taong superficial!) puro gwapo o maganda ang hanap. sarap batukan. wala lang. paepal lang. hehe.

    • Jenn Besonia says:

      Ako naman sa sobrang wala lang sa kin yun, expression ko na yung “pangit” haha. Pero syempre sa mga super close friend ko lang and sa sis ko.

      Sample:
      Me: Majh, ano na sim mo? Globe?
      Majh: Smart
      Me: ang pangit mo naman haha

      ayun. yung “perception”. Nag aaway away ang mga tao dahil di nila alam na nag eexist ang perception haha. I admit medyo dati ganun ako. Yung masyadong pinaglalaban opinion. pero narealize ko may mga bagay na dipende sa perception.

      puro gwapo hanap? ang tanong: maganda ba sila? hahahha. ok kahit maganda. pangit pa rin yun. pangit ugali e. low quality. immature. hehe *sila ang pinag uusapan. wag ako isali. :P*

  7. villa says:

    hahahaha.totoo yan.kaya ako kung palipiliim ako sa guwapo at panget.seyempre dun ako sa panget noh.dahil ang panget na mukha at maganda ang ugali wala kang kaagaw nun at ikaw lang mamahalin nun.heheheeh mapagmahal kasi ang tao maganda ugali at panget.at hindi taksil at tototo un…

  8. villa says:

    maraming taong panet man ang mukaha maganda ang ugali.marami din naman maganda ang mukha at panget ang ugali nila.meron din namn panet na masama pa ugali hahahahahahha takakatawa anoh..

LEAVE A REPLY (Please keep your comments witty.)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s